Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Blind Item: Aktor, pa-booking sa bading


Blind Item: Aktor, pa-booking sa bading


NAGBEBENTA ng kanyang katawan ang isang guwapong aktor na naging member ng isang all-male group na nakilala sa TV.

Matagal nang naba­balitaang nagpalipat-lipat si aktor (na hindi masyadong matangkad) sa mga bading.

Kamakailan ay naka­tsika namin ang dala­wang bading at dalawang babaeng bakla, at sabi ng isa sa dalawang babaeng bakla, nagpa-booking ang aktor sa kaibigan niyang bading na galing sa ibang bansa.

May contact number ng aktor ang isa pang babaeng bakla na kasama nila.
Ito ang gumawa ng paraan na mag-meet ang actor at ang balikbayang bading.

“Mama! P5,000 ang asking price ni …(pangalan ng actor)!” tili ng kausap naming babae.

“Satisfied naman ang lolo kaya give na niya ‘yung 5 thou.”

Tumaas ang market value ni actor mula nang magkaroon siya ng ilang projects sa telebisyon at pelikula.

Noong hindi pa siya nag-aartista, ang presyo lang niya sa mga bading ay P1K hanggang P2k.

‘Yung dating tumutulong sa kanya para kumuha ng modeling jobs, binigyan lang siya ng P500.

Paano kasi, hindi na kumukubra ng komisyon ang bakla dahil “love” niya noong mga panahong iyon ang aktor at hindi ito nawawalan ng projects sa kanya.

Hindi kataka-takang nagpakalublob na sa putikan ang aktor dahil wala siyang ibang napagkukunan ng pera.

Hindi sapat ang maliit na negosyo nila sa pro­binsya para sa mga panga­ngailangan ng kanyang mga magulang at pinapaaral pang kapatid.

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

No comments: