Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

Billy Crawford, walang nililigawan

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Billy Crawford, walang nililigawan


Walang sinuman sa mga babaing nali-link ngayon kay Billy Crawford ang inamin ng international star.

Sa presscon ng Belo Medical Group para kay Billy (siya ng latest celebrity endorser), idinenay ni Billy na may relasyon sila ni Heart Evangelista.

Balitang dumidiskarte rin daw siya kay Nikki Gil na kasama niya bilang co-host sa PDA.

Sinabi ni Billy, totoong lumalabas sila ni Heart and they have common friends. Pero hanggang doon lang ang lahat. Walang ligawan portion at lalong hindi raw sila mag-on.

Ganoon din with Nikki, they get along well aniya sa PDA at kakulitan niya ang dalaga. Pero friends lang daw talaga sila.

Showbiz answer man pero mukhang believable naman ang sinasabi ni Billy.

By September ay aalis ang binata papuntang France para sa launching ng kanyang album doon. Sosyal, ‘di ba?

Pagkatapos ng commitments ng binata sa nasa-bing bansa ay tutulak si Bil-ly patungong Amerika kung saan dadalawin daw niya ang amang may ka-ramdaman.

Ito ang dahilan kung bakit hindi muna nag-commit si Billy kay Dr. Vicki Belo tungkol sa pagpapaayos ng kanyang hairline dahil sa mahigpit din ni-yang iskedyul. Malapad daw kasi ang forehead ng binata at i-adjust lang ang hairline nito.

Umaasa rin ang Belo Medical Group na maging daan si Billy para lalong makilala sa ibang bansa ang magandang nasimulan ng clinica ni Dr. Vicki sa ‘Pinas.

No comments: