Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

Billy Crawford says all is well now between him and KC Concepcion

Billy Crawford says all is well now between him and KC Concepcion

Billy Crawford says all is well now between him and KC Concepcion

Aware si Billy Crawford na kasalukuyang magkasama ngayon sa Greece ang minsang na-link sa kanya na si KC Concepcion at si Richard Gutierrez para sa shoot ng first movie nila together under Star Cinema, ang For The First Time. Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Billy kung okey na ba sila ni KC.

Nagkita na ba sila ni KC after ng "kissing issue" sa kanila noon?

"Yeah, mga two or three times na," sagot ng bagong celebrity endorser ng Belo Medical Clinic.

Nagkausap na rin sila ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa issue. Sabi raw ni Sharon kay Billy, "'Ikaw, alam mo naman ang trabaho natin.'" Mabait siya, sabi ni Billy.

Pinagalitan ba siya ni Mega?

"Hindi naman. In a good way. Hindi lang sinigawan or anything. In a good way naman. Nagkita kami sa premiere ng Ouija."

Kumusta na sila ngayon ni Mega kapag nagkikita since nasa ABS-CBN na rin si Billy?

"I haven't seen her yet. But she's sobrang bait naman, e."

Samantala, focused ngayon si Billy sa kanyang career at gumagawa ng long-term career plan.

"I do plan my long-term. So, now, balance lang sa long-term kung ano ang kaya ko. Maybe in ten years siguro, I really want to have a production company. I want to become an entrepreneur, kahit ano."




Source: PEP

No comments: