Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Bibung-bibo pa naman, sablay ang palusot...YOUNG ACTOR, TODO-DENY NA NAGPAPA-TAKE HOME SA BADINNG KAHIT MAY WITNESS NA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Bibung-bibo pa naman, sablay ang palusot...YOUNG ACTOR, TODO-DENY NA NAGPAPA-TAKE HOME SA BADINNG KAHIT MAY WITNESS NA



BLIND ITEM: TINATAWANAN lang ng guwapong young actor ang walang puknat na intrigang idinidikit sa kanya kahit nga hindi siya gaanong visible sa telebisyon dahil na rin sa kawalan ng regular show.

'Di na lang daw niya pinapansin ang chism na "take home boy" siya ng mayayamang bading sa halagang P15 thou. Alibi ng bibung-bibong young actor, paulit-ulit na lang ang nasabing bintang sa kanya.

Aminado raw siya na salat siya sa shows ngayon at kung meron man ay pasulput-sulpot lang, pero hindi naman daw siya nawawalan ng pera para pumasok sa pagbebenta ng sarili.

Sige, paniwalaan natin siya, pls. lang!

Pero paano niya ipapaliwanag ang kuwento ni source no. 1 nu'ng makipagkita siya sa controversial gay lawyer? Hindi lang nagpakita mismo sa actor ang source dahil ayaw nilang mapahiya ito.

Sabi naman ni source no.2, nandoon siya mismo sa hotel nang pag-usapan na may booking doon ang guwapong young actor.

Well, bahala na siya, kani-kanyang raket at diskarte at pagdideny lang 'yan!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: