Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Bianca Gonzalez willing to try acting if paired with Taiwanese actor Wu Chun

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Bianca Gonzalez willing to try acting if paired with Taiwanese actor Wu Chun


Bianca Gonzalez willing to try acting if paired with Taiwanese actor Wu Chun

Maraming ispekulasyon na nabuo nang magsilabasan ang mga litrato at videos nina Bianca Gonzalez at ang ex-boyfriend nitong si Direk Lino Cayetano.

Kabe-break lang kasi ni Direk Lino sa Megadaughter na si KC Concepcion, at ilang araw pa lang ng breakup ay nakitaan na agad si Direk Lino ng mga litrato't video na puwedeng pagtagni-tagniin ng mga makakating-dila, na patunay na binalikan na nito ang dating girlfriend na si Bianca.

NOT BACK WITH LINO. But when PEP (Philippine Entertainment Portal) caught up with Bianca last July 29, sa pictorial ng clothing line na Meg with friend Mariel Rodriguez, sinabi nito na hindi sila nagkabalikan ni Direk Lino after his breakup with KC at open na siya uli to entertain new suitors.

"We're super okay, we're friends but then just like I've been saying at the start of the year, we're not together talaga," paliwanag ni Bianca sa PEP when asked about Direk Lino.

"Sa akin kasi ito yung paniniwala ko, not just because we're both single, ‘O sige, we'll get back together na.' It's more complicated than that na. Kami kasi [ni Lino] we know each other so very, very well. We know each other's best quality and even the worst kaya kailangang pag-isipan, if ever, we want to be together again or just better off na maging magkaibigan na lang. And right now, we're not together.

"Nung we started talking again, we didn't talk about it [getting back together] na serious. Just like I've said, kilala na namin ang isa't isa so well, and we just both know na...not now."

Bianca told PEP that she's even open to the possibility that Lino might find someone new, and she said Lino expects also that she might get into a relationship, too.

"That's bound to happen and we're both prepared for that, for both sides. I'm sure time will come na baka may ma-type-an siya, likewise with me. He knows that day will come, at baka may makilala akong iba. Coz I'm single and I'm ready to mingle!"

WORK WITH WU CHUN. Sa visit ng Taiwanese star na si Wu Chun, bida sa Taiwanese soaps na Hana Kimi and Romantic Princess, inamin daw nito na crush niya si Bianca. Bianca also admitted to PEP na crush niya rin daw ang Taiwanese actor. She also said she's open to work with him even if it calls for her to act kahit na hindi niya makita ang sarili bilang isang newbie actress.

"Nabaliw ako dun, sobra! Nung sinabi niya sa akin na naaalala niya raw ako, sobrang humaba ang buhok ko hanggang tuhod. I'm really excited! Kasi nga babalik sila dito. I don't know kung magko-concert yata or promo lang.

"Sobrang crush ko siya, I told Tito Boy [Abunda, her manager] nga, ‘Alam mo na ‘di ako umaarte pero ‘pag ka-partner niya ako, aarte ako!'Niloko nga ako nung isang writer namin in E-Live that in our anniversary daw, pupunta ako ng Taiwan to interview Wu Chun. Sabi ko, 'Why not?' It's my dream talaga to host internationally, to represent the country, pero mag-aaral muna ako ng Taiwanese."

IMAGE MODEL. As Meg's new image model along with Mariel, masaya si Bianca to be part of family ng nasabing clothing line.

"It's an honor talaga. The people from Meg, they trusted us to endorse them. We're talking nga yesterday, the owner of Meg, sabi nila, yung mga clothes daw nila is more of college, working people, or even high school. Yun ang market na gustung-gusto namin talaga. The clothes are fun, very casual, not so dressy. Ganun din ang style ko."



Source: PEP

No comments: