Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

“Belat sa mga naiinggit sa akin! Box office star na kasi ako!” -- Annabelle

“Belat sa mga naiinggit sa akin! Box office star na kasi ako!” -- Annabelle
Written by Chit Ramos

Sorry na lang sa mga detractors ni Madam Annabelle Rama na trying hard magkalat ng balitang nag-flop daw ang My Monster Mom niya. Heto, at nagmumura ang ganda ni Annabelle sa sobrang kinita ng comeback movie niya after a long, long hiatus. Binigyan din siya ni Mother Lily ng victory party sa Imperial Suites. Bongga ang give-aways at red envelope, food at personal gift from the new “Box Office Star” herself.


Naku ha, humanda sa kanya si Bea Alonzo. Judy Ann Santos, pati mga Claudine Barretto, Maja Salvador at Shaina Magdayao diyan. Isama pa sina Angel Locsin, Marian Rivera at titimbugin silang lahat ng mom ni Ruffa Gutierrez. No doubt, na nagiba ang takilya sa kabibilang ni Mother Lily sa box office returns ng movie. Hayan tuloy, may “Monster Mom (Part 2)” na agad.


Yes, Anabelle is the latest “Box Office Star” courtesy of My Monster Mom.
Isang action star lang ang aaminin ni Annabelle na tumalo sa kanya. Si Will Smith ng Hancock.


“Eh, will Smith naman ‘yan, puwede nang tumalo sa akin. Kahit pa sabihing second lang ako. Ka-level ko na pala siya, kaya, payag na akong second best to him,” tawa ng tawa niyang pahayag. “Basta GMA at si Mother Lily ang happy sa akin at ang lahat ng dumalo at nag-congratulate sa akin sa victory party ko, eh haping-hapi na ako. Belat na lang sa mga naiinggit diyan sa akin.”



Source: Pinoy Parazzi

No comments: