Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Bea at Jake, ayaw maghiwalay ‘pag magkasama?!

Bea at Jake, ayaw maghiwalay ‘pag magkasama?!
Written by Boy Abunda

Bea Alonzo and Jake Cuenca are romantically linked right now.


Bea recently released her debut album entitled The Real Me under Star Records. The album contains the songs Kagandahan, You, Crazy About You, Close To You, I’ll Always Love You, and the carrier single I’m Missing You na pinakapaborito raw pakinggan ni Jake ngayon.
Wala naman sigurong masama kung nagkakamabutihan ang dalawa dahil pareho silang single right now. Sa party kamakailan ng Star Studio Editor-in-Chief na si Biboy Arboleda, napansin ng ilan ang extra closeness nina Bea at Jake. Ayon sa balita, hindi raw naghiwalay ang dalawa hanggang matapos ang party. Naging mailap naman sila sa pagbibigay ng anumang kurpirmasyon tungkol sa isyu.


Hindi maiiwasan na hingan ng reaksiyon ang former girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo. “Basta ako out na ko doon sa picture. Happy ako at di naman ako nagpapaka-selfish,” she said. Roxanne graced the cover of Maxim Magazine’s July issue. This was her second time na maging cover model ng nasabing men’s magazine. Kontrobersiyal ang naging pag-pose niya dahil mga bulaklak lang ang kanyang saplot sa katawan. Sinasabing pagrerebelde raw ito ni Roxanne kay Jake after their break-up. She clarified, “Gusto lang naming sexy iyong dating. Walang ibang intensiyon. Basta busy ako sa trabaho at ayoko nang mag-comment.”


Naglabasan din sa mga pahayagan ang diumano’y pambubuking ni John Lloyd Cruz kay Bea. Napansin daw kasi ni John Lloyd na nalilibang si Bea sa panonood ng mga eksena ni Jake sa teleserye nito.


Bea and Jake only have good words about each other. Bea said, “He’s a very nice person. That’s why friends kami.” Jake enthused, “She’s really nice. One of a kind. Suwerte ako na kaibigan ko siya.”


Kaibigan, usap tayo muli!


Source: Pinoy Parazzi

No comments: