Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Bea Alonzo, dusa ang inabot sa taping ng Betty La Fea

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Bea Alonzo, dusa ang inabot sa taping ng Betty La Fea

NOONG Miyerkules ng gabi, muling pumirma ng kontrata si Bea Alonzo sa ABS-CBN. Renewal ito ng kanyang old contract.

At sa kanyang pagri-renew ng contract, tiyak na mas bongga ang stipulations nito. Bongga rin tiyak ang kanyang talent fee.

Present sa contract-signing sina ABS-CBN pre-sident Charo Santos-Concio, TV production head Cory Vidanes, business unit head Deo Endrinal at Star Magic boss Mariole Alberto.

Pati ang production at creative team ay naroon headed by Director Erick Salud, creative head Rondel Lindayag, production manager Julie Anne Benitez at executive producer Darnel Villaflor.

Siguro naman ay worth it ang new contract sa hirap na pinagdadanan niya sa kanyang role ngayon bilang Betty sa I Love Betty La Fea.

Katakut-takot na hi-rap ang pinagdadaanan ni Bea sa programa. Paglalagay pa lang ng dentures, dusa na ang inaabot niya.

Noong Biyernes ay nagsimula nang mag-taping ang buong cast. Ang kagandahan sa show ni Bea, may sarili itong studio sa ABS-CBN.

‘Yun pala ang style ng production sa Columbia, Mexico at U.S. May sariling Eco Moda ang show kung saan ang main location ng show.

It saves time and mo-ney kapag ganyang naka-confine sa isang studio ang cast. Maiiwasan pang ma-kapaglakwatsa ang mga ito ka-pag oras ng ta-ping.

No comments: