Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Baka pati ngiti, scripted? MALE-SINGER, PARANG DE-SUSING ROBOT SUMAGOT DAHIL SA BAKLANG MANAGER

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Baka pati ngiti, scripted? MALE-SINGER, PARANG DE-SUSING ROBOT SUMAGOT DAHIL SA BAKLANG MANAGER

BLIND ITEM: NAPATUNAYAN na namin kung bakit maraming nagagalit sa baklang manager ng isang male singer. Nuno pala siya nang kaplastikan at hindi sincere ang pakikipagkaibigan. Mabait lang siya 'pag siya ang nangangailangan, may ipapasulat at alam niyang napapakinabangan niya ang sitwasyon. Maaga niyang na-master ang "plasticity" ng showbiz.

Kaya hindi todo ang pag-alagwa ng career ng kanyang alaga dahil na rin sa kanya. Marami rin ang naloloka sa alaga niyang male singer dahil parang dinidikitan lang siya ng said manager sa interbyu niya. De-kahon kung sumagot ito.

Actually, gusto sana siyang tulungan ng isang veteran writer na kababayan niya pero nadismaya na ito sa asal nila ng manager niya. Pati ang isa pa nilang kababayang columnist ay nawalan na rin ng gana sa kanila dahil kapos ng sinseridad ang kanyang baklang manager.

Hindi rin magaling makipag-usap ang manager na ito at na-trauma sa kanya ang isang columnist na nagkaroon ng mataas na puwesto sa isang organisasyon. Kinumbida niya ito sa isang event at sinabi niya na GC lang ang ibibigay. Umoo ang baklang manager pero pagdating sa venue, naniningil na ng P 30, 000 at hindi raw ito isasalang 'pag hindi ibinigay.

Hindi naman ganoon ang usapan kaya hanggang ngayon, isinusumpa pa rin ng columnist ang baklitang manager at male singer.

Hindi kaya kalawang sa male singer ang manager niya at maagang magkaroon ng katapusan ang "ngiti" niya?

Well...well...well...

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: