Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Baka kasi siya ang humalili sa mga babae ng guy...YOUNG ACTRESS, ILILIPAT NG ISTASYON NG MANAGER DAHIL SOBRANG INLAB SA MAY ANAK NANG AKTOR

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Baka kasi siya ang humalili sa mga babae ng guy...YOUNG ACTRESS, ILILIPAT NG ISTASYON NG MANAGER DAHIL SOBRANG INLAB SA MAY ANAK NANG AKTOR


BLIND ITEM: KUNG totoong lilipat na ang young actress na ito sa kabilang TV station, desisyon umano 'yun ng kanyang manager.

Siyete sa amin ng isang source ay may dahilan daw ang manager. Allegedly, nahuhumaling kasi ang aktres sa kasamahang poging aktor.

"Takot ang manager na baka mabiktima rin ng aktor ang alaga nito na may naanakan na rin iba. So, ang remedy ay ilayo sa aktor through a change of network," anang malapit sa manager.

Tsk, tsk, tsk. If that's the case, you can't stop a woman in love. Could be lalo siyang ma-love struck sa paglalayo sa kanila ng aktor, 'no?

Halaw sa panulat ni Nap Alip sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: