Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Ayaw ng 'papa'...ARA MINA, MAS FEEL TAWAGING 'DADDY' SI VICE-MAYOR ISKO MORENO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ayaw ng 'papa'...ARA MINA, MAS FEEL TAWAGING 'DADDY' SI VICE-MAYOR ISKO MORENO


MEDYO late na nang dumating si Ara Mina sa party ni Tita Cristy (Fermin) sa Metro Bar noong Martes nang gabi, at nakasama namin siya sa isang table together with Manila Vice-Mayor Isko Moreno and Tathess Gana (first lady ni QC Vice-Mayor Herbert Bautista)

"Alam mo bang magka-batch kami sa That's Entertainment ni vice (Isko) noon? Pareho kaming batch '93, magkaiba lang kami ng araw.

"Tapos kita mo naman ngayon, vice-mayor na siya at tatay ko pa sa Ligaw na Bulaklak! Ha!Ha! Pero adopted naman ako, e," nakangiting chika sa amin ni Ara.

Naiinis nga raw si Ara nang malamang si Isko ang magiging tatay niya dahil feeling niya, apat na taon lang ang tanda ng public servant sa kanya.

"Tapos sabi nila, papa raw ang itatawag ko sa kanya. Sabi ko, daddy na lang! 'Yun ang tawag sa kanya sa soap," ayon pa sa actress-singer.

Anyway, naaliw kami kay Ara dahil sa mga love songs na kinanta ng Side A Banda sa party ni Tita Cristy ay kinikilig ito pero nalulungkot.

"Kasi kami ni Tathess, nu'ng umattend kami ng isang party na puro couples, tapos ang sweet-sweet nila sa isa't isa, tapos kaming dalawa, parehong nag-iisa. Tapos, ngayon na naman, eto, nakikita ko rito sa may tabing gilid ko, ang sweet nina Angelica (Panganiban) at Derek (Ramsay).

"Sina Mickey Ferriols at Archie Alemania, magkasama sila. Samantalang ako, alone! Nakakainggit, 'di ba?" nakangiting sabi ni Ara.

Well, that only goes to show na loveless pa rin until now si Ara pero hindi naman umano siya nagmamadali. Sobrang busy din kasi niya. In fact, kadarating lang niya from Australia for a show with Rico J. Puno ang other artist-singers.

"Hindi nga ako nakapamasyal, e. Kasi halos lahat ng establishments, close, kasi nandu'n si Pope for the World Youth Day.

"Kaya babalik na lang ako ru'n. Saka, nagustuhan nila ako, nagulat nga sila na kumakanta raw pala ako. Hindi kasi nila ako napapanood na kumakanta, e. Kaya before the year ends, balik-Australia ako," ayon pa kay Ara.

Hindi nag-abot sa party sina Ara at Gretchen Barretto, pero ayon sa mga naka-interview kay Greta, may mga sinabi diumano ito tungkol sa singer-actress na si Ara. Tungkol daw ito sa mga kumalat na tsismis sa kanila ni Dodie Puno.

Mukhang may intrigahan at isyu na namang namumuo. At aalamin namin ang buong detalye about it.

Abangan!

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: