Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Ay, ay, ay! 'Di kasi siya ipinaglaban...FRIENDSHIP NA TV HOST-ACTRESS HATE NA HATE AT AYAW MAKITA NG SIKAT NA COMEDIENNE


Ay, ay, ay! 'Di kasi siya ipinaglaban...FRIENDSHIP NA TV HOST-ACTRESS HATE NA HATE AT AYAW MAKITA NG SIKAT NA COMEDIENNE

BLIND ITEM: AY, matindi pa rin pala ang sama ng loob ng sikat na comedienne sa kaibigan niyang actress-TV host. Banned daw ang TV host-actress sa kanya.

Ayaw muna niyang makita ang aktres at hindi niya alam kung iisnabin o babatiin ito 'pag nagkita sila dahil sa sitwasyong naganap sa kanila.

Ang ipinagsisintir ng komedyana, kaya niyang ipagtanggol ang aktres sa lahat ng oras pero bakit hindi raw siya maidepensa nito ngayon sa isang taong ayaw sa kanya na malapit sa aktres?

Pati ang suporta ng aktres sa komedyana sa isang proyekto ay hindi na rin niya naipaglaban dahil lang sa intriga.

Kibit-balikta na lang ang reaksiyon ng comedienne.

Roldan Castro, Bulgar


JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

No comments: