Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

ARA MINA, 'IPINAMIGAY' NA SI CRISTINE REYES KAY DENNIS TRILLO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

ARA MINA, 'IPINAMIGAY' NA SI CRISTINE REYES KAY DENNIS TRILLO















OKEY lang daw kay Ara Mina kung totoong muling napagkikitang magka-date ang utol na si Cristine Reyes at si Dennis Trillo. Katwiran niya, kesa mag-away na naman sila ni Cristine ay ayaw niya nang pakialaman ang love life nito.

Nahuli na naman kasi ang pareha ng TV cameraman sa isang mixed martial arts exhibition just recently. Tumalilis nang alis si Cristine samantalang binawalan naman ni Dennis na tutukan sila ng camera. Sabi tuloy ng Kumareng Tessie Sy namin, kung ayaw ng dalawa ang magpabuking, dapat ay 'di sila pumupunta sa mga pampublikong lugar. Sa bahay na lang sila magkulong, ganu'n!

Anyway, mapapanood si Dennis sa Biyernes sa Bubble Gang na longest running gag show sa telebisyon (on its 13th year na po!).

Siyempre pa, inaabangan din diyan ng mga manonood ang mga saksi at boobsinang sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Maureen Larrazabal at Francine Prieto, saka ang kakenkoyan nina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Boy 2 Quizon.

Halaw sa panulat ni Nene Riego sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: