Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 17, 2008

Ano'ng sey mo Heart Evangelista? Ang tindi ng ex mo! FANS, MAY DISCOUNT SA MGA MALLS KAPAG MAY PICTURE NI JERICHO ROSALES

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ano'ng sey mo Heart Evangelista? Ang tindi ng ex mo! FANS, MAY DISCOUNT SA MGA MALLS KAPAG MAY PICTURE NI JERICHO ROSALES


MAY nakapagtsika sa amin na naging witness kung paano pinagkaguluhan ng mga Chinese, Taiwanese at Koreanong bagets na dumayo pa sa 'Pinas si Jericho Rosales noong Linggo sa ABS-CBN.

Fans talaga ang mga 'yun ng mga Taiwanese superstars na sina Wu Chun at Calvin Chen. Nagpunta pa sila rito sa atin para mapanood ang kanilang mga idolo. Pero matapos silang magtitili at habol-habulin ang mga Taiwanese superstars na sina Wu Chun at Calvin Chen sa sunud-sunod na live guestings ng mga ito at nang nakaalis na, nakita naman ng mga Asian fans si Echo habang hinihintay nito ang kanyang sasakyan paalis ng ABS-CBN.

Kilala nila si Echo kaya nagtakbuhan daw ang mga foreigner fans palapit sa aktor, nagpa-picture at nagpa-autograph pa sa kanya. Sikat kasi si Echo sa Malaysia at Singapore kung saan sila nakilala at sinubaybayan ni Kristine Hermosa dahil sa teleserye nilang ipinapalabas doon, ang Pangako Sa'Yo.

Ibang klase nga raw ang pagtanggap at pagtangkilik kina Tintin at Echo sa Malaysia! As in, nagbibigay daw ng discount sa mga establishments 'pag may dalang picture ng aktor?! At jam-packed daw talaga sa venue 'pag may show doon si Echo.

Kaya bongga, 'di ba? At naaliw kami sa chika.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: