Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

Anne Curtis hindi takot sa kalaban

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Anne Curtis hindi takot sa kalaban

‘PAG bida ka sa isang teleserye, hindi maiiwasan na pasanin mo rin ang pressure especially when it comes to competition.

’Pag tipong walang binatbat sa kakompitensiya sa teleserye mo, tiyak na nalalapit na ang pagkatsugi mo.

Is Anne Curtis bothered by the competition?

From the onset daw, sinabihan na siya na huwag ma-bother ng competition.
“Ang sabi sa amin, basta’t maganda ang istorya, papanoorin at tatangkilikin ito ng televiewers,” sabi sa amin ni Anne.

Maski siya raw mismo ay nagulat nang ipagkatiwala sa kanya ang Dyosa na malapit ng matunghayan sa telebisyon.

Ano ba sa palagay niya ang nasa kanya na wala sa iba?

Tanging sagot ng bagong Dyosa ng ABS-CBN: “Hindi ko alam.”

No comments: