NAG-DENY pala si Derek Ramsay na hiwalay na sila ni Angelica Panganiban. Nu'ng tanungin ng ilang press people kung bakit sa isang interbyu ay maluha-luha si Angel at 'di sinagot nang diretsahan ang tanong, paliwanag ni Derek, "Sabi kasi ni Angel, she was just fed up daw and she was tired because she was asked the same questions again and again."

Kung true ang sinabi ni Derek, ibig sabihin, nag-inarte si Angelica. She wanted the press people to believe na may something wrong sa relasyon nila ni Derek.

Pero inamin ni Derek na minsan ay meron din silang mga conflicts ng kanyang sexy girlfriend. Baka nu'ng time na 'yun, may 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila kaya ganu'n ang actuations ni Angel sa harap ng TV camera.

Well, it's good to know na balik na naman ang pagka-sweet nila sa isa't isa.

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar