Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Angel nagmamaldita!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Angel nagmamaldita!

Mukhang may problema sa pagitan ni Angel Locsin at sa kanyang manager na si Becky Aguila. Sa engkuwentrong naganap sa kanila ni Claudine Barretto sa isang parlor, ayon sa aming source na hindi taga-showbiz at nagkataon lang na nagpaayos dun, ay hindi kagandahan ang mga salitang binitiwan ng batang aktres tungkol sa kanyang manager.

Yun daw ang dahilan kung bakit nasabi ni Claudine ang linyang, “Kung may problema kayo ng manager mo, huwag mo kaming idamay!”

Kung ang mga salita at kuwento ng aming impormante ang paniniwalaan ay lumalabas na maldita pala si Angel, hindi raw kayang bantayan ng batang aktres ang kanyang emosyon, may pasipa-sipa pa raw siya ng silya nung magkaroon sila ng argumento ni Claudine.

“Dun mo naman mapupuri si Claudine, mahaba ang pasensiya niya, malawak ang pang-unawa niya, pinabayaan lang niyang magsalita nang magsalita si Angel.

“Sa narinig ko, parang nagagalit si Angel dahil nakarating daw sa kanya ang issue na ayaw sa kanya nina Bea, Anne, Roxanne, Kristine at iba pang mga dinatnan niyang young stars sa ABS-CBN.

“Tapos, sinabi niya, ‘Hindi ko nga alam kung sino sa inyo ang nagkakalat ng mga kuwento about me, e!’ Ganun ang sinabi niya, kaya ako man si Claudine, maa-alarm ako.

“Kaya ang sabi sa kanya ni Claudine, ‘Walang nagagalit sa iyo, ako mismo, I have nothing against you. In fact, I even welcomed you sincerely when we first met! Kung ganyan na lahat na lang, e, sinasabi mong ayaw sa iyo, sweetheart, you better think twice, there must be something wrong with you!’

“Dun na nagsalita si Angel ng kung anu-ano, bakit daw siya pinagkakaisahan? Bakit daw parang nai-insecure sa kanya ang ibang mga artista, e, nagtatrabaho lang naman siya?

“Dun na umangat ang voice ni Claudine, sinabi niya kay Angel, ‘You know, in my 16 years in showbiz, nobody spoke to me that way. You have to respect me.

“’You have to respect other people, you have to adjust, and you don’t just call people by their names. Huwag mong tinatawag si Tita Mariole na Mariole lang. She has a position. You should respect people according to their position.’

“Ang isinagot ni Angel, ‘E, talagang ganito na ako, e!’ Sabi nga nung mga nasa parlor, mabuti raw at nung nangyari ito, e, Christian na si Claudine. Kung hindi raw, siguradong nagkaroon sila ng pisikalan,” kuwento pa rin ng aming source.

Kung tutuusin, lumabas man na nagtaray si Claudine nung engkuwentro nila ni Angel ay hindi dehado ang aktres sa laban. Walang image na pa-sweet si Claudine, saksi ang publiko sa pagiging totoo niya kapag may gusto siyang sabihin at kung ano ang nararamdaman niya.

Hindi nabuhay sa imahe si Claudine, kapag may umaaway sa kanya, lumalaban siya, sinasabi niya ang kanyang gusto na hindi naman umaabot sa linya ng kawalan ng magan­dang asal.

Si Angel Locsin ang may kailangang ipag-alala dahil ang tingin sa kanya ng publiko ay hindi makabasag-ping­gan, pa-sweet ang kanyang image, kahit pa maraming taga-Siete naman ang nagsasabi na ang ipinakikitang pagiging sweet ni Angel ngayon ay hindi totoo.

“Ang manager niya mismo ang nakakaalam kung bakit, tanungin n’yo si Becky Aguila kung hanggang anong extent ang ginawang kabastusan sa kanya ni Angel noon.

“Salamat lang talaga dahil forgiving si Becky, but she knows what I’m talking about. Nasaktan siya nang husto noon, talagang binarubal siya ng alaga niya,” kuwento pa sa amin ng isang source na dati nilang katrabaho sa Siete.

“Pero bilib ka sa composure ni Claudine, grace under pressure ang nakita namin sa kanya, pero kumakagat din ang mga salita niya nung pinangangaralan na niya si Angel,” kuwento pa rin ng aming source.


CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

No comments: