Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

Angel Locsin's camp speaks up about rift with Claudine Barretto

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Angel Locsin's camp speaks up about rift with Claudine Barretto

FIRST READ ON PEP: Angel Locsin's camp speaks up about rift with Claudine Barretto

Finally, nagsalita na rin ang kampo ni Angel Locsin sa gitna ng mainit na kontrobersiya na nangyayari sa pagitan ng young actress at ng kasamahan niya sa ABS-CBN na si Claudine Barretto. Nagsimula ang sinasabing alitan nina Angel at Claudine nang minsang magtagpo sila sa salon ni Pin Antonio.

Unang lumabas ang balita tungkol sa alitan nila sa pamamagitan ng isang blind item, na later on ay pinangalanan din. Noong simula ay walang gustong magsalita kaya naman puro haka-haka lang ang lumabas.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na napabalita na nagkaroon ng alitan sina Angel at Claudine. Napabalita noon na ayaw diumano ni Claudine na makasama si Angel sa iisang dressing room nang minsang magkasama sila sa isang show. Hindi rin daw nagustuhan ni Claudine ang pagkakadagdag ni Angel bilang endorser ng Folded & Hung, na ini-endorse din ng bida sa Iisa Pa Lamang.

TWO VERSIONS OF THE STORY. Hindi malinaw ang totoong nangyari sa pagitan nina Angel at Claudine sa loob ng salon dahil nagpasalin-salin na ang kuwento tungkol dito. Basta ang kumpirmado ay nagkaroon ng kumprontasyon ang dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa kuwentong nakarating sa PEP, nang minsang magpaayos si Angel sa Pin Antonio Hairdressing ay dumating si Claudine. Tinanong daw ni Claudine si Angel kung totoong umalis na siya kay Becky Aguila at ang manager niya na ay si Ms. Malou Santos, ang managing director ng Star Cinema.

Itinanggi raw ito ni Angel at tinanong si Claudine kung kanino niya nabalitaan ito. Ayon kay Claudine, nakuha niya ang impormasyong ito sa makeup artist na nag-aayos mismo sa kanya that time, si Alex. Pero muli itong itinanggi ni Angel.

Nang tanungin daw ni Angel si Alex kung kanino niya nakuha ang balita, sinabi ng makeup artista na sa ina ng child actress na si Charming Lagusad, na alaga rin ni Becky. Ayon daw sa kuwento ng ina ni Charming ay umalis na sila sa poder ni Becky at pati raw si Angel.

Nang lumabas daw si Claudine para magpahangin ay sinundan siya ni Angel, na hindi mapakali dahil sa lumalabas na balita. Nilapitan daw ni Angel si Claudine at nagpaliwanag na hindi talaga totoo ang balitang si Malou Santos na ang kanyang manager.

Dito na raw pinagsalitaan ni Claudine si Angel ng kung anu-ano. Sinabihan pa diumano ni Claudine si Angel na hindi siya ang prinsesa ng ABS-CBN kundi si Bea Alonzo.

Pagbalik daw ni Angel sa loob ng salon ay nag-iiyak na raw ito at pinagbalingan ng galit si Alex. Nagtaas na raw ng boses si Angel at dinuro niya si Alex at sinipa ang isang silya.

Ayon naman sa isa pang kuwento, si Angel daw ang kumumpronta kay Claudine dahil ang pinakabata sa Barretto sisters daw ang nagpakalat sa balitang kaya sunud-sunod ang magagandang projects ng dating Kapuso star sa ABS-CBN ay dahil hawak na siya ng isang top executive ng Kapamilya network, na ang tinutukoy ay ang managing director ng Star Cinema.

GRETCHEN OPENS PANDORA'S BOX. Hanggang sa magsalita ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto sa presscon ng episode niya sa Maalaala Mo Kaya last Monday, July 14. Ipinagtanggol nito si Claudine sa sigalot na nangyari sa kanila ni Angel. Hindi man niya direktang sinabi ang nangyari sa kanyang kapatid at kay Angel, nakumpirma na totoo ngang nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan nina Angel at Claudine.

Ani Gretchen, "Naawa ako sa kapatid ko, siyempre. Kasi para ma-accuse si Claudine, siyempre naawa ako sa kanya. Pero alam ko naman kaya ni Claudine ‘yon. Sabi ko, that's part of being Claudine Barretto and having the fame and special treatment that you have in ABS-CBN. Kasi siyempre, matagal na siyang nandito sa ABS kaya nabibigyan siya ng special attention."

Inamin naman ni Gretchen na hindi pa niya naririnig ang panig ni Angel kaya mahirap din daw magsalita.

Pero nang tanungin si Gretchen kung babatiin ba niya si Angel kung sakaling makasalubong niya ito, ito ang naging sagot ni Gretchen: "Hindi ko alam. Takot ako, baka awayin din niya ako! Baka sigaw-sigawan niya ako. Oh my, God! Wala akong panahon!" (Click here to read related article).

ANGEL'S CAMP SPEAKS UP. Ayon sa kampo ni Angel, nalulungkot ang young actress dahil wala naman daw itong hangad na makipag-away o makasakit ng kapwa. Bagamat kabi-kabila ang tira sa kanya, mas pinili na lang niyang manahimik dahil ayaw raw niyang lumalala pa ang gulo sa pagitan nila ni Claudine. Pero may nakarating na impormasyon sa PEP na iniyakan ni Angel ang interview ni Gretchen.

Noong Martes, July 15, ay nagkaroon ng meeting ang ABS-CBN at Star Cinema executives with Angel and her manager, Becky Aguila, para pag-usapan ang lahat; partikular na ang tungkol sa insidenteng nangyari kina Angel at Claudine.

Para mas maliwanagan ang lahat ay nagsama si Becky ng isang empleyado mula sa Pin Antonio Hairdressing na nangangalang Beng na nakasaksi diumano ng buong pangyayari. Naroroon din ang kapatid ni Angel na si Ella, na kasama rin ni Angel sa salon at nakita rin ang nangyari.

Kuwento ni Becky sa PEP, "Beng was there, and base sa kuwento niya, walang sigawang nangyari and both were very professional habang nag-uusap. Nilinaw rin ni Beng na wala naman siyang nakitang sinipa ni Angel ang silya at hindi rin dinuro si Alex," sambit ng manager.

Hindi rin daw totoo na tinarayan ni Angel ang makeup artist na si Alex. Ang ginawa lang daw ng young actress ay sinabihan ito nang maayos na, "Kuya, kung hindi ka sigurado, sabihin mo, kasi pagmumulan ito ng issue."

Sabi ni Becky, "I guess it was an unfortunate incident, a small misunderstanding blown out of proportion and walang may gusto ng nangyari. Ayaw din ni Angel ng may kaaway, lalo pa nga si Claudine dahil idol niya ito."

Nagpaliwanag din ang manager ni Angel kung bakit medyo natagalan ang pagbibigay nila ng panig at ito raw ay bilang respeto na rin sa management ng ABS-CBN.

"Out of courtesy and respect with the management, hindi muna kami nagsalita or nagbigay ng pahayag about the matter. Hinintay muna naming magkaroon ng pag-uusap with them. Alam n'yo naman, baguhan pa lang si Angel sa ABS-CBN and the last thing na gusto naming mangyari ay yung may makasamaan ng loob," pahayag ni Becky.

Idinagdag din ni Becky na willing si Angel na makipag-usap kay Claudine at ayusin ang kung anumang hindi nila pinagkaintindihan at ito rin naman ang kanyang hangad.

"Open si Angel sa pakikipag-ayos and I'm hoping na in time ay darating din ‘yan," sabi niya.



Source: PEP

No comments: