Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

Andrew Schimmer does not want to limit himself to specific roles

Andrew Schimmer does not want to limit himself to specific roles

Andrew Schimmer does not want to limit himself to specific roles

Si Andrew Schimmer ang gumaganap bilang lover ni Emilio Garcia sa pelikulang Eskandalo. Kung sa pagiging daring, mas grabe raw ang ipinakita at ginawa ni Andrew kumpara kay Emilio sa pelikula. Si Andrew rin ang nagpasok ng Stabilo marker sa behind ni Emilio. Sa kuwento kasi ng pelikula ay tila napikon si Andrew kay Emilio dahil maliit lang ang pagkalalaki niya.

Posibleng kapag napanood ang Eskandalo ay marami ang mag-akala nga na ganun din ang size ng kargada niya. Pero natawa lang si Andrew rito at sinabing confident siya sa kanyang pagkalalaki.

"Well, ang sa akin naman, kapag pikon ka, talo ka. At saka kapag totoo, maiinis ka. ‘Tsaka character lang naman yun. Minsan nga sa set noon, iniinis ako. ‘Patay ka. Kapag napanood na ‘yan, lolokohin ka.' Pero sabi ko naman, hindi naman totoo. So, okey lang," pagkikibit-balikat ni Andrew nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng Eskandalo last Monday, July 7, sa studio ni Edward dela Cuesta.

Game naman daw si Andrew kahit na anong role ang ibigay sa kanya. Hindi raw niya nililimitahan ang anumang puwede niyang gawin.

"Ako naman kasi, pinag-usapan na namin ng manager ko," sabi ni Andrew. "Sabi ko naman, basta sa akin, wala naman akong inaanong role. Basta maganda ang istorya, maganda ang character na ibinibigay sa akin, challenging, sabi ko, why not? Kaya ka nga artista, e.

"Actually, nagko-comedy rin naman ako, like yung Ikaw Pa Rin with Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas. May drama...marami rin naman. Nagkataon lang na yung mga ganito kasing movie [Eskandalo], challenging siya, hindi siya yung mga normal movies lang na kapag nagpa-sexy ka, sexy ka lang. ‘Eto, iba ‘to. Mas marami silang mga bagong makikita talaga."

CONTROVERSIAL LOVE LIFE. Naging kontrobersiyal din ang love life ni Andrew dahil maraming young actresses ang mga nali-link sa kanya. Ilan sa mga ito ay sina Cristine Reyes at Katrina Halili.

"Actually, hanggang ngayon naman, may mga communication pa rin kami," saad ng young actor. "Like si AA [Cristine], nagkaka-textan pa rin kami. At saka hindi naman talaga naging kami, naging super close lang talaga kami noon. At saka kaibigan ko ate niya, si Ara [Mina]. Super close din kami ni Ara."

Nilinaw rin ni Andrew na si Katrina lang talaga ang naging girlfriend niya sa mga artistang na-link sa kanya.

"Kaya nga before, natsitsismis na kesyo nag-aaway raw kami, pero hindi totoo. Si Kat, maayos naman ang communication namin hanggang ngayon. Kapag walang trabaho, movie tayo. Kasama mga kaibigan ko or mga kaibigan niya."

Huli na pala kami when we told him kung iimbitahan ba niya sina Katrina at Cristine na manood ng Eskandalo at kung hindi ba sila mae-eskandalo sa mapapanood sa kanya sa pelikula.

"Ay naku, na-invite ko na sila!" sambit ni Andrew. "Sabi naman nila, manonood sila. Sabi ko nga, ‘Magugulat kayo sa mga mapapanood n'yo sa akin dito.'"

OPEN TO GAYS. Hindi naman itinatanggi ni Andrew na minsan talaga, may mga gays na nagkakainteres sa kanya. Open naman daw siya sa mga ito, pero hanggang pakikipagkaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ibigay.

"Open lang ako sa kanila dahil marami akong kaibigang gays kahit noong college pa. Hindi ako umiiwas sa mga ganoong klase ng tao. Sa akin nga, mas okey pa silang kausap. Kasi walang kiyeme, masarap kasama.

"Pero wala pa akong any experience sa gay, as in since birth," pagbibigay-diin niya. "Actually, dati natsitsismis din ako sa mga ganyan, like sa Greenbelt, kasama ko ang mga tropa kong bading, puro mga babae ang kasama ko. Pero actually, minsan, mas marami kang makikilalang babae dahil sa mga gays. Pero before yun!" natatawa niyang sabi.

Aware daw siya sa impression ng ilan na pumapatol siya sa gays. Pero ani Andrew, "Hindi naman kasi mawawala yun kapag artista ka. Actually, common lang yun. Ang sa akin, kahit matsismis ka ng ganyan kung hindi naman totoo, bakit ka magre-react?

"Actually, yun yata ang normal na kapag artista kang lalaki... Like, may mga isyu sa aking babaero, may isyu rin na ganyan, pumapatol. Pero ayos lang, lalaki ka naman. At saka kung hindi totoo, bakit ka maaapektuhan," rason ni Andrew.

No comments: