Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Alma Moreno says co-star Cristine Reyes is professional, not "pasaway"

Alma Moreno says co-star Cristine Reyes is professional, not "pasaway"

Alma Moreno says co-star Cristine Reyes is professional, not "pasaway"

Matapos madawit ang pangalan ni Alma Moreno ukol sa alingasngas sa biography book ng King of Comedy na si Dolphy, mayroon na namang bagong intriga kay Ness (nickname ni Alma). May kinalaman ito sa lumabas na balita sa pahayagan na umano'y patuloy pa ang relasyon ng aktres kay Gerald Madrid.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres-konsehala, ipinahayag niyang wala itong katotohanan. Katunayan ay wala siyang panahon sa love dahil ang pagiging public servant ng ParaƱaque City ang kanyang konsentrasyon.

"Matagal na kaming wala, bago pa ako tumakbong konsehal. Ayaw ng political advisers ko. Isa pa'y dalaga na si Wynwyn [anak niya kay Joey Marquez] at ayokong sirain siya, lalo't SK Chairman ang aking anak sa Baclaran.

"Kahit annulled na kami ni Joey at si Gerald naman ay hiwalay, kasal pa rin siya kaya ayoko na," esplika ni Ness.

"Noong kami ni Gerald, umamin ako. Bakit ngayong sinabi kong hindi na kami, ayaw akong paniwalaan? E nagsasabi nga ako ng totoo.

"Kasama ko sa bahay ang mga anak kong sina Wyn, VJ, at MM. At hindi ako nakikipagkita pa kay Gerald o sa ibang lalaki," naiiling na paliwanag pa niya.

HAPPY AS PUBLIC SERVANT. Ayon pa sa aktres, panahon pa lamang ng kampanya noon ay dumistansiya na siya kay Gerald. At wala raw siyang panahon para ma-in love.

"Zero ang love life ko talaga. Work talaga ako ngayon and happy ako sa ginagawa ko e. Happy ako sa trabaho ko bilang public servant. Wala akong time talaga para sa love.

"Siyempre yung pagiging councilor ko ngayon ang aking priority. Ito ngang pag-aartista, kumbaga ay paano-ano lang, e, paminsan-minsan lang naman iyan, e."

Hindi ba niya nami-miss ang pagsasabi ng 14344 (I Love You Very Much), tulad ng lagi niyang sinasabi noon sa kanyang mga show?

"Wala na sa akin iyon at saka hindi lang iyon yun. Una muna ay ganoon ang sinasabi ko, ‘tapos kalaunan ay nadagdagan at naging 143445, ‘tapos ay naging 1434452554545555, pero huwag mo na akong tanungin ng meaning nun dahil hindi ko na alam ang ibig sabihin nun, e. Ha-ha-ha-ha!" nakatawang saad pa niya.

INDIE MOVIES. Tungkol naman sa pagiging artista niya, abala si Ness sa taping ng Eva Fonda na siya ang orig na gumanap dalawang dekada na ang nakalipas. Natapos na rin niya ang isang indie film na may titulong Tiltil.

"Si Buboy Tan ang director namin, with Michael de Mesa. Bale tungkol ito sa mga nagtitibag ng bato sa may Montalban, Rizal. First time kong gumawa ng indie. Okey naman at mabilis. Drama iyon, drama na may halong sexy, pero sila ang nagpa-sexy, ako roon lang sa drama.

"Siyempre retired na tayo sa pagpapa-sexy. Wala na sigurong role na puwede sa akin na kagaya ng dati."

IF YOU HAVE IT, SHOW IT. Nagka-issue sa mga young star na nagpo-pose ng sexy sa magazine, ano ang comment niya rito?

"Kasi, iba naman noong kapanahunan namin, hindi naman kami agad sumabak sa ganyan. Kumbaga, nandoon iyong timing, unti-unti... pero iba naman kasi ang trend ngayon kumpara sa panahon namin noon. Pero kung may katawan ka naman at gusto mo talagang magpakita, bakit hindi?

"Pero kung naka-two piece lang naman sila, siguro naman ay walang masama sa ganoon, hindi ba? Sexy pa rin iyon pero hindi malaswa. Iyon lang kasi ang nakikita ko sa cover at hindi naman ako nagbabasa ng mga men's magazine, e," aniya pa.

YOUNG STARS WITH "K." Hiningan din siya ng PEP kung sino sa mga young star ang talagang may "K" na mag-pose sa men's magazines.

"Sabi ko nga, hindi ko naman masyadong nakikita yung mga magazine na iyan. Pero para sa akin, siyempre isa na riyan si Cristine [Reyes]. Eva Fonda iyan e! Ha-ha-ha-ha! Marami pang sexy na young stars, pero hindi ko kasi sila nakikita lahat, e.

"Si Cristine masasabi ko isa na roon, dahil siya ay nakikita ko nang malapitan, puwedeng-puwede siya. Bukod sa sexy talaga, ang puti-puti nitong si Cristine. Grabe siya, flawless talaga."

CRISTINE IS NOT "PASAWAY." Dahil issue rin na pasaway si Cristine sa set ng Eva Fonda, tinanong na rin ito ng PEP kay Ness.

"Wala, maaga siyang dumarating sa set. Nagkikita kami rito at pagdating sa eksena, alam niya ang gagawin niya. Preparado siya sa trabaho niya at kahit minsan ay hindi naging pasaway. Kung minsan, kahit pagod siya, pero talagang naka-focus siya sa trabaho.

"Nagkakatabi nga kami, nakikita ko na natutulog siya. Kaya sabi ko, parang nakikita ko ang sarili ko noong araw dito kay Cristine. Iyong kahit pagod na pagod na, nagtatrabaho pa rin nang todo.

"Bakit mayroon bang intrigang ganoon, na primadonna at pasaway? Hindi naman siya ganoon, hindi lang kasi pala-imik itong si Cristine. Tahimik kasi siya lagi, e. Iyong tipong kapag hindi mo siya kukuwentuhan, tahimik lang siya, hindi lang siya pala-kuwento, e," mahabang tugon pa ni Ness .

BOLD STAR THEN VS. SEXY STARS NOW. Ano ba ang kaibahan ngayon ng mga sexy star kumpara sa era nila noon?

"Ano nga ba?" nag-pause muna siya sabay buntunghininga. "Iyong naka-two piece lang ako, bold na iyon. Kaunting silip lang ng cleavage, bold na iyon. Sumayaw ako sa entablado na naka-bikini, bold na iyon. Sa Eva Fonda iyon. ‘Tapos iyong umakyat ako sa puno na sinisilipan ako na naka-pantylet pa, bold na iyon."

Idinagdag pa ni Ness na memorable sa kanya ang naturang pelikula. "Oo, iyon ang unang-unang movie ko talaga na sa akin, e, iyong Eva..., then, Ligaw na Bulaklak... dito sa dalawang pelikulang ito ako bale nakilala nang husto, e."

Sa tingin kaya niya ay ganyan din ang mangyayari kay Cristine sa remake ng Eva Fonda?

"Oo naman. E, hindi pa nga siya Eva Fonda ay kilala na siya, e. What more, kapag palabas na itong Eva Fonda? Tiyak na maraming barako ang magpapantasya kay Cristine.

"And noon pa iyan, sinasabi ko na may ‘K' talaga si Cristine bilang Eva Fomda. Bukod kasi sa maganda siya, bagay sa kanyang maging Eva Fonda," pagtatapos na ni Alma.



Source: PEP

No comments: