Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Ai-Ai delas Alas reveals the secret of "magic panty" in her movies with Wenn Deramas

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ai-Ai delas Alas reveals the secret of "magic panty" in her movies with Wenn Deramas

Ai-Ai delas Alas reveals the secret of "magic panty" in her movies with Wenn Deramas

Nag-resume na muli ng shooting ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas para sa sequel ng Ang Tanging Ina na pinamagatang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ang naturang pelikula na idinidirek ni Wenn Deramas ay official entry ng Star Cinema sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF).

More than one fourth na raw ang nasu-shoot ni Ai-Ai sa movie. Kuwwnto pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), may nakunan na ring mga eksena kasama ang mga anak niya sa pelikula.

"Nandun si Shaina [Magdayao], halos lahat nandun sila. Pati si Serena [Darlymple], dalaga na siya, 17 na. Ang role niya sa movie, mahilig siyang sumali sa rally," kuwento Ai-Ai nang makausap siya ng PEP sa kanyang restaurant na Aisarap sa harap ng ABS-CBN last Monday, July 28.

Kumusta ang pagkikita-kita ulit nila ng artistang gaganap bilang mga anak niya sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat?

"Ano nga namin ‘to, e, parang reunion after five years. ‘Tapos may ano pa kami, may anak ako na kambal. Malalaki na sila, mga seven years old. Ang cute nung kambal, kumakanta sila."

Mag-aasawa ba ulit siya sa sequel ng Ang Tanging Ina?

"Wala," sagot ni Ai-Ai. "For the first time. Siguro mas gusto ng tao na wala akong leading man sa movie."

May anak ba siya na bratty sa movie?

"Meron, si bakla, si Alwyn Uytingco. Siya yung bading na mag-aartista."

Ano ang feeling niya na pasok sa MMFF ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat?

"Natakot ako talaga kasi akala ko kasabay ko si Tito Dolphy ‘tsaka si Bossing [Vic Sotto]. E, nung nalaman ko hindi, ‘Ay salamat naman.' Ayoko kasi dahil respeto ko doon sa dalawa. Pero kung magkakasabay talaga, makikiusap ako na huwag na kaming sumabay. Respeto naman doon kina Tito Dolphy at Bossing," saad niya.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Ai-Ai ang magaganap na Parade of Stars ng MMFF on Christmas eve.

"Ay, oo. Ginagawa na nila ang float ko!" biro ni Ai-Ai.

Dahil magiging presidente ng Pilipinas ang role niya sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, may presidente ba siya na gagayahin?

"Wala, sarili ko lang. Pero may konting touch of everything. Alam mo naman si Direk Wenn, spoofy? Spoofy!"

First time ni Ai-Ai na may solo movie entry sa MMFF. Two years ago kasama si Ai-Ai sa Shake, Rattle & Roll, na official entry ng Regal Entertainment.

"May pressure siyempre," pag-amin ng komedyana.

Two consecutive years nang nagna-No. 1 one sa MMFF ang Star Cinema via Kasal, Kasali, Kasalo and Sakal, Sakali, Saklolo. Ano ang masasabi ni Ai-Ai rito?

"Pressured!" tawa niya. "Atake ito. Heart attack!"

Nararamdaman ba niya ang napakalaking tiwala sa kanya ng Star Cinema?

"Oo nga, dyusko! Bahala na ang Diyos. In fairness naman yung Cute ng Ina Mo at Ang Tanging Ina, talagang kumita."

Ano ang gagawin niya sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat na iba sa Part 1?

"May eksena ako na naka-bikini diyan," sagot niya.

First time niyang nag-bikini sa movie?

"Oo, kasi parang nagme-menopause na ako rito, e. Mainitin lang ako. Natataranta ako. Nainitan ako. Una, hinubad ko yung ano ko... ‘Tapos siyempre kasi ang character ni Inah [name of her character] diyan lituhin. Ganun si Inah, e. Very nanay na maraming ginagawa, nalilito. ‘Tapos nakita ko na lang nakahubad ako, naka-bikini ako," kuwento niya.

Kinunan daw ang eksena sa isang carenderia na pag-aari ng character ni Ai-Ai sa movie with matching crowd.

"Pero bawal ang picture. Bawal talaga. Yung mga cellular nila kinukuha."

Ano ang pakiramdam niya nung gawin niya yung eksena?

"Siyempre kahihiyan, ‘no! E, alam mo naman si Direk Wenn? Kasi may pamahiin si Direk Wenn. Kapag nagpa-panty kasi ako sa pelikula, kumikita talaga yung pelikula kaya pinagpa-panty niya ako sa movie. Parati niyang ipinapakita ang panty ko."

Kung merong "magic kamison" si Mother Lily, may "magic panty" naman daw si Direk Wenn.

"Parati niya akong pinagpa-panty, ‘O, dito mag-panty ka.' Ngayon talaga bikini na ‘Day. ‘Tapos puro baba lang; ngayon pati itaas. Susunod, huhubaran mo na ako!" nakakatawang kuwento niya.

Ano ang tatak ng kanyang underwear?

"Victoria's Secret."

Nahiya ba siya doon sa eksenang ginawa niya?

"Oo, nakakahiya. Nakakahiya talaga. Pero in fairness naman kasi, ang Victoria's Secret kasi wala namang kasya sa akin dito. 34D ako, e. Yun talaga ang size ko kahit i-check ninyo sa Victoria's Secret."

May presidente ba na aapir sa pelikula niya?

"Hindi ko alam. Baka may senador din. Si Governor Vi [Vilma Santos] in-invite ko nga, e. Sina Tita Critsy at Tito Boy, in-invite ko na, parang The Buzz ang eksena namin."

Speaking of president, tuloy ba ang movie nila ni ex-President Joseph Estrada?

"Ewan ko ba dun [sa movie]," maikli niyang sagot.

Kung meron daw na gustong makasama rin si Ai-Ai sa pelikula, ito ay walang iba kundi ang Comedy King na si Dolphy.

"Kahapon nga nakita ko siya. Nililigawan ko na nga, e," sabi ni Ai-Ai.



Source: PEP

No comments: