Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

ABS-CBN issues official statement to clear reported rift between Claudine Barretto and Angel Locsin

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

ABS-CBN issues official statement to clear reported rift between Claudine Barretto and Angel Locsin
ABS-CBN issues official statement to clear reported rift between Claudine Barretto and Angel Locsin

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng inilabas na official statement ng ABS-CBN tungkol sa naganap na insidente sa pagitan ng mga contract artists nitong sina Claudine Barretto at Angel Locsin. Ang paglabas na official statement na ito ay bunsod na rin ng mga usap-usapan sa kung ano talaga ang naganap sa pagkikita nina Claudine at Angel sa isang salon.

Bagamat walang nais magsalita sino man kina Claudine at Angel, hindi rin napigilan ng kani-kanilang kampo ang magpahayag ng kanilang saloobin sa pangyayari. Sa parte ni Claudine ay unang nagsalita ang nakatatandang kapatid niya na si Gretchen Barretto samantalang sa kampo naman ni Angel ay nagsalita ang kanyang manager na si Becky Aguila. As expected, ipinagtanggol ng magkabilang kampo ang kanilang kaanak at alaga.

Narito ang nilalaman ng official statement na inilabas ng ABS-CBN:

"Marami na ang nasabi tungkol sa pagkikita nina Ms. Claudine Barretto at Ms. Angel Locsin nung July 4, 2008.

"Dahil dito, nagkaroon na ng meeting noong Miyerkyules, July 23, sa pagitan nina Claudine at Angel kasama ang ilang ABS-CBN executives na sina Ms. Malou Santos, Ms. Cory Vidanes, Mr. Roxy Liquigan, Ms. Mariole Alberto ng Star Magic, ang manager ni Angel na si Ms. Becky Aguila, si Mr. Raymart Santiago [mister ni Claudine], at ilan pang malalapit sa kanila.

"Sa naganap na pagkikita noong July 4, nagkausap sina Claudine at Angel tungkol sa ilang mga isyu na sa kasamaang palad ay napalaki at naging eksaherado base sa kuwento ng ibang kampo.

"Sa naganap na meeting, nilinaw ang mga isyung ito, kinilala at naintindihan ang nararamdaman at emosyon ng bawat isa. Naging malinaw ang lahat at nagkaroon ng kapatwaran.

"Natapos ng maganda at positibo ang meeting at naniniwala ang mga nakasaksi na ito ang magiging simula ng pagkakaibigan ng dalawa. Naniniwala ang ABS-CBN sa maayos na dayalogo at paglilinaw ng mga issues sa mga talent ng kumpanya."



Source: PEP

No comments: